Tank Proposal
Tank Proposal

Kakaibang marriage proposal ang isinagawa ng sundalo sa kaniyang kasintahan sa Russia.

Gumamit kasi ito ng 14 na tangke ng pangiyera sa kaniyang proposal.

Ang mga tangke ay naghugis puso kung saan tinawag ng sundalo ang kasintahan sa gitna at doon inalok ng kasal ang kasintahan.

Mula ng kumalat ang video sa social media ay maraming mga netizens ang humanga sa nasabing tapang na ginawa ng sundalo sa pagpropose sa kasintahan nito.