-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Na-break ng isang student-athlete mula sa Region IV-A ang old record para sa 400-meter hurdles sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2026.

Ito’y matapos maitala ni Loraine Audrey Batalla ang finish time na 56.12-segundos kung kaya’t na-ungasan nito ang 56.30-segundos na mula pa rin sa naturang rehiyon na CALABARZON o Calamba, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, inihayag ni Batalla na nabigla siya sa nakuha niyang gold medal dahil ang goal lamang niya ay makatapos ng maayos sa kanyang event lalo na’t may iba pang mga events siyang sasalihan.

Samantala inihayag naman ng kanyang coach na si York Tamayo na napag-usapan nila sa training na target nilang i-break ang rekord na matagumpay naman nilang na-abot.