-- Advertisements --

Inaksyunan na umano ng gobyerno ang mga manggagawang exempted sa travel ban lalo ang mga health workers na stranded dahil sa Enhanced Community Quarantine in Luzon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinarating na nila ang impormasyon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzanana agad namang inatasan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilabas ang kanilang army trucks para sunduin ang mga stranded na manggagawa para makapasok sa kanilang trabaho at makauwi din sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Sec. Panelo, idinulog na rin nila sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang problema at agad namang nagbigay ng positibong tugon si Chairman Danilo Lim sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kompanya ng bus na Wescapboa, West Cavite Philippine Bus Operators Association at Jasper Jean Bus Liner na nagpadala ng mga bus para isakay ng libre ang mga exempted sa home quarantine.

Kasabay nito, muling umapela ng opisyal sa mga kababayan na ang disiplina sa sarili at community cooperation ang susi sa tagumpay ng Enhanced Community Quarantine sa panahon ng krisis dahil sa COVID-19.

“We immediately communicated such concern to the Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana and the latter swiftly directed the Armed Forces of the Philippines (AFP) to bring out their army trucks to ferry those who are stranded, particularly health workers and other individuals exempted from the ban, so they can be safely brought to their places of work and their homes after work,” ani Sec. Panelo.

“We also brought the same problem to the attention of Metro Manila Development Authority (MMDA) and its Chairman Danilo Lim who gave an immediate positive response. Chairman Lim has already coordinated with different bus companies, especially Wescapboa, a transport cooperative, and the West Cavite Philippine Bus Operators Association, as well as the Jasper Jean Bus Liner. They have started to send out their buses after marking the same with the official logo of the MMDA to put law enforcement agents on notice of their purpose of free public service in favor of those exempted from home quarantine.”