Inaasahang babalik sa practice ng Golden State Warriors si Stephen Curry sa Miyerkules, Disyembre 10, matapos gumaling sa left quadriceps contusion at muscle strain na nakuha niya noong Nobyembre 26 laban sa Houston Rockets.
Sa kasalukuyan, nagsimula na siya ng individual on-court work sa Bay Area.
Dahil sa injury, missed ang huling apat na laro ni Curry at hindi sumama sa koponan sa kanilang road trip para mag-rehab.
Kung maayos ang kanyang kalagayan, maaari siyang makasali sa practice sa Miyerkules at posibleng maglaro sa home NBA Cup game laban sa Minnesota sa Biyernes.
Ang pagbabalik ni Curry ay magbibigay din ng pagkakataon na makasama sa court ang kanyang nakababatang kapatid na si Seth Curry, na kamakailan lang ay muling sumali sa Warriors at nakapagambag ng 14 point para sa kanyang debut.
















