-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mas palalakasin pa nila ang kanilang intelligence gathering kasunod ng pambobomba sa Sri Lanka na ikinamatay ng mahigit na sa 200 katao.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, mahalagang magmatyag dahil malaki ang posibilidad na sa ibang bansa magtutungo ang mga suspek na nasa likod ng madugong pamomomba.

Hindi aniya exempted ang Pilipinas kaya mas mabuting paigtingin pa nila ang kanilang intel monitoring upang hindi danasin ang sinapit ng Sri Lanka.

Gayunman, hindi naman daw kailangang magdagdag ng puwersa na makikita ng publiko.

Kasabay nito, nakiisa ang PNP chief sa pagkondena sa walong sabayang pagpapasabog sa ilang hotel at simbahan sa Sri Lanka, na iniuugnay sa mga teroristang grupo.