-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacanang na nagbitiw na sa puwesto si Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica.

Sa isang liham na pirmado ni Executive Secretary Victor Rodriguez, sinasabing tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kaniyang pagbibitiw.

Nakasaad pa sa liham na nagsumite ng kaniyang resignation letter si Serafica nitong August 10, 2022.

Ito ay matapos na ihayag nang Malacañang ang iligal na pagpirma ng mga miyembro ng SRA at ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian sa resulusyon para sa pag-import ng 300,000 metric tons ng asukal.

Una nang nagbitiw sa pwesto si Sebastian.

Habang tinanggap na rin ng Pangulo ang resignation ng isa pang miyembro ng board na si Atty. Roland Beltran.

Si Serafica ay una nang naitalaga sa SRA noong 2017 sa ilalim ng Duterte administration.