-- Advertisements --

Iginiit ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, chair ng House Committee on Justice, na hindi minadali o nilaktawan ng Kamara ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, sinunod ng komite ang Saligang Batas at tiniyak na dumaan sa tamang proseso ang mga hakbang sa pagdinig at pag-aaral ng reklamo.

Noong nakaraang Miyerkules, natukoy ng komite ang “probable cause” upang isulong ang impeachment. Sa kasalukuyan, tinatapos ng panel ang committee report na naglalaman ng impeachment articles na isusumite sa plenaryo ng Kamara.

Giit niya, tungkulin ng komite na aprubahan ang mga dokumento at ipasa ito sa buong House of Representatives para sa karagdagang aksyon, kabilang ang kinakailangang boto ng one-third ng mga miyembro bago ito maipasa sa Senado para sa paglilitis.

Dagdag pa ni Luistro, Kung guilty ang Bise Presidente, hayaan na ang katotohanan ang humatol; kung inosente namn, hayaan ang proseso ang maglinis sa kanyang pangalan. (Report by Bombo Jai)