DeMar DeRozan/ Photo courtesy of NBA

Umiskor ng 29 points si DeMar DeRozan upang maisahan ng San Antonio Spurs ang Atlanta Hawks, 117-111.

Dahil dito, inangkin ng Spurs ang kanilang ika-21 sunod na panalo sa home kontra sa Atlanta.

Nag-ambag din ng 23 points si San Antonio point guard Derrick White, matapos magtala ng 12 kabuuang puntos sa huli nitong dalawang laro.

Nananatiling nasa ikapitong puwesto ang Spurs sa Western Conference hawak ang 45-33 record.

Kumubra naman ng 26 points si Kent Bazemore para bumida sa Hawks, na dinagdagan naman ni Alex Len ng 21.

Sinara ng Atlanta ang third quarter sa pamamagitan ng kanilang 18-6 run, at dinala ang 90-86 lead pagpasok ng fourth.

Sinopla naman ito ng Spurs tampok ang kanilang 15-4 harurot na inumpisahan nila sa kalagitnaan ng huling quarter, at kinuha ang 108-104 abanse sa natitirang 3:39.