Binitawan na ng Charlotte Hornets si Spencer Dinwiddie noong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), tatlong buwan matapos siyang pumirma ng isang taong kontrata na may halagang $3.6 million, ayon sa ulat ng ESPN.
Bagamat walang opisyal na pahayag mula sa koponan, iniulat na kailangang magbawas ang Hornets ng guaranteed salary bago ang pagbubukas ng NBA season sa susunod na linggo.
Si Dinwiddie, na 32 taong gulang, ay naglaro ng 79 games noong nakaraang season para sa Dallas Mavericks, kung saan nagtala siya ng average na 11.0 points at 4.4 assists.
Sa kanyang buong karera, may average siyang 13.0 points at 5.1 assists sa 621 na game playoff para sa iba’t ibang koponan tulad ng Detroit Pistons, Brooklyn Nets, Washington Wizards, Los Angeles Lakers, at Mavericks.
Na-draft siya ng Pistons noong 2014 NBA Draft bilang second-round pick.
















