Tinambakan ng defending champion na Oklahoma City (OKC) Thunder ang Charlotte Hornets sa paghaharap ng dalawa sa 2025 Preseason, 135 – 114.
Walang sinayang na sandali ang OKC at agad ipinoste ang 15-lead sa unang kalahating bahagi ng laban.
Ito ay sa kabila ng hindi paglalaro ng mga star player ng koponan na sina Shai Gilgeous-Alexander, Chet Holmgren, at iba pa.
Sa panalo ng defending champion, nanguna ang forward na si Aaron Williams na kumamada ng 23 points at anim na assists habang 17 points ang naging ambag ng sentrong si Jaylin Williams.
Nasayang naman ang 18 points ni Hornets forward Kon Knueppel sa pagkatalo ng koponan.
Muling ipinakita ng Thunder ang championship caliber na laro matapos iposte ang 53.2 overall shooting percentage.
Nagpasok din ang koponan ng 20 3-pointers sa kabuuan ng laban, kasama ang 11 steals.
Hindi nakaganti ang Hornets sa episyenteng opensa ng defending champion lalo na at nalimitahan ito sa 29.4 % sa 3-point line.