-- Advertisements --
Rep Fredenil Castro
Capiz Rep. Fredenil “Fred” Castro

Nagbitiw si Capiz Rep. Fredenil “Fred” Castro bilang presidente at miyembro ng National Unity Party (NUP) matapos niyang suwayin ang napiling “manok” ng kanilang partido sa speakership race sa Kamara.

Sinabi ni Castro na ang kanyang desisyon ang wastong hakbang matapos niyang suportahan si Leyte Rep. Martin Romualdez sa speakership race at hindi si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na inindorso ng NUP.

“I resigned out of delicadeza since I was open and unwaveringly frontliner for Cong. Martin Romualdez,” ani Castro.

Umani naman ng papuri mula sa ibang kongresista ang naging desisyon ni Castro.

Ayon kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, “uncommon” na sa ngayon ang tulad ni Castro na handang abandonahin ang kanyang posisyon sa partido dahil sa pagkakaiba ng paniniwala.

Samantala, nakatakdang umanib si deputy speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte sa NUP kasama ang iba pang mambabatas mula sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).