-- Advertisements --

Humingi ng tulong kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga nagsusulong ng people’s initiative (PI) upang maamyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Speaker Romualdez nilapitan siya ni Noel Oñate upang makausap, at pinagbigyan niya ito bilang bahagi ng diwa ng bukas na dayalogo at pag-unawa sa mga aksyong sibiko na itinataguyod ng mga mamamayan.

Iginiit naman ni Romualdez na ang pakikipag-usap na ito ay hindi nangangahulugan na tumulong ito sa pangangalap ng pirma para sa PI.

Pinasinungalingan naman ni Speaker Romualdez na may kinalaman ito sa sinasabing bilihan ng pirma na taliwas umano sa kanyang prinsipyo at ethical standards ng gobyerno.

Kahapon dinipensa ng mga mambabatas ang larawan na ipinakita sa pagdinig ng senado.

Ayon sa kanila natural lamang ang nasabing larawan dahil lahat naman may gusto makipag picture sa Speaker.

Wala din epekto ang nasabing larawan.

Samantala, inatasan naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Kamara at Senado na maghanap ng solusyon sa harap ng bangayan ng dalawang Kongreso hinggil sa isinusulong na Charter Change.

Sinabi ng Pangulong Marcos na naghahanap din ng solusyon ang gobyerno at nakikipag ugnayan na ito sa mga legal luminaries.

Nais kasi ng Pangulong Marcos na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.