-- Advertisements --

Kabilang sa delegasyon ni Pangulong Bongbong Marcos papuntang Amerika si House Speaker Martin Romualdez kung saan dadalo ang Pangulo sa 77th United Nations General Assembly sa New York City.

Ayon kay Speaker Romualdez, positibo siya na maging matagumpay at makabuluhan ang pagbisita ng Pangulo sa America tulad ng naging kaniyang state visit sa Indonesia at Singapore, na nagresulta sa higit sa pledges na $14 bilyon na supply at investment mula sa Indonesian at Singaporean businessmen.

Naniniwala si Romualdez na ang biyahe na ito ng Pangulo sa US ay mag-aani ng maraming benepisyo para sa ating bansa at
ang mahigit apat na milyong Pilipino at Filipino-American na naninirahan o nagtatrabaho sa Amerika.

“I expect the US visit to reap a lot of benefits for our country and the more than four million Filipinos and Filipino-Americans living or working in America,” pahayag ni Romualdez.

Sinabi ni Speaker na ang US ay isa ring makabuluhang pinagmumulan ng pamumuhunan.

Kung tutuusin, ang US ang pangunahing kalakalan at ekonomiya ng Pilipinas katuwang at kapanalig ng bansa.

Ang US din ang pinakamalaking pinagmumulan ng mga remittance mula sa ibang bansa lalo na ang mga manggagawang Pilipino (OFW) at Filipino-American.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 2.3 porsyento ang remittance mula sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa taon-sa-taon na umabot sa $3.17 bilyon noong Hulyo mula sa $3.17 bilyon sa parehong buwan ng 2021.

Ang Estados Unidos ay nanatiling pinakamalaking pinagmumulan ng mga cash remittances sinundan ng Singapore, at Saudi Arabia.

Batay naman sa naging forecast ng BSP, ang mga remittance mula sa mga overseas Filipino ay inaasahang lalago ng 4% ngayong taon at sa susunod.

Sinabi rin ng BSP na nakapag-uwi ang mga OFW ng record na $31.4 bilyon na cash remittances noong nakaraang taon.
Sa halagang iyon, 40.5 porsiyento, o $12.7 bilyon, ang nai-remit mula sa US habang ang iba pang pangunahing pinagmumulan ng cash inflow ay Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at South Korea.

“They contribute a significant part to the amount of foreign exchange in our country and economy need each year, and especially this year when we are recovering from the crippling COVID-19 pandemic,” dagdag pa ni Romualdez.