Muli na namang nagtala ng record ang Spain sa dami ng mga namatay sa loob ng isang araw matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Nitong Biyernes lamang nagtala ng 769 katao ang nasawi na siyang pinakamataas na bilang na nasawi sa loob ng isang araw.

Umaabot na sa 4,858 ang nasawi sa Spain habang mayroong 64,059 ang nadapuan ng virus.

Hindi naman ikinaila ni health ministry emergencies coordinator Fernando Simon na nalalapit ng maabot ng Spain ang pinaka-peak ng kaso sa kanilang bansa.