-- Advertisements --

Inaasahang dadaluhan ng tinatayang 200 foreign delegations ang inagurasyon ni Pope Leo XIV.

Ito ay base sa mga opisyal sa Vatican kasunod ng pagpupulong ng Provincial Committee for Order and Security na idinaos nitong Martes sa Rome Prefecture.

Ilan sa dignitaries na dadalo ay sina US Vice President JD Vance, Royal family ng Spain, si Israeli President Isaac Herzoh at mga lider mula sa European Union.

Bilang bahagi nga ng matagal ng tradisyon ng Simbahang Katolika, isasagawa ang misa sa inagurasyon ni Pope Leo sa araw ng Linggo, Mayo 18 sa St. Peter’s Square sa Vatican City.

Isasagawa naman ang inagurasyon dakong alas-10:00 ng umaga, oras sa Roma o alas-4:00 ng hapon, oras sa Pilipinas