-- Advertisements --

Aminado si Senate President Vicente Sotto III na naging mahirap ang mga pambansang usapin ang hinarap ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at maging ng buong bansa sa nakalipas na taong 2025.

Kabilang na rito ang malawakang isyu ng korapsyon na kinasasangkutang ng mga usapin sa flood control projects sa bansa.

Sa kabila nito, naniniwala si SP Sotto na ang taong 2025 ay naging oportunidad sa pagkakaroon ng transparency at upang maitama ang mga pagkakamali.

Nagkaroon rin aniya ng pagkakataon na maging bukas sa publiko ang proseso ng budget sa bansa partikular na ang deliberasyon sa 2026 national budget.

Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng partisipasyon ang bawat mamamayang Pilipino sa pagbusisi sa budget ng taong bayan.

Binalikan rin ng leader ng senado ang kanyang pagbabalik sa senado noong 2025.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Sotto ang kanyang katapatan at patuloy na pagsisilbi sa Pilipino ng may sinseridad.