-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si South Korean President Yoon Suk Yeol ngayong taon o sa susunod na taon kung saan inaasahang ipagdiriwang ng dalawang bansda ang ika-75th anniversary ng pakikipag kaibigan.

Ito ang inihayag ni South Korean Ambassador-designate Lee Sang-Hwa ng iprinisinta nito kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang ang kaniyang credential.

Tugon naman ng Pangulo kaniyang inaasahan makatagpo ang pinuno ng South Korea sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre.

Bukod kay SoKor President Yoon, nakatakda din bumisita sa bansa si South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo at South Korean Foreign Minister ngayong taon para makipag pulong sa kanilang Philippine counterparts ng sa gayon mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Binigyang-diin din ni Lee ang commitment ng South Korea sa Pilipinas hinggil sa energy cooperation at interesado sa Bataan Nuclear Power Plant energy generation.