-- Advertisements --
Nag-deploy ang South Korea ng humigit kumulang 80 fighter jets.
Ito’y matapos mamataan ang 180 North Korean military aircraft sa loob ng apat na oras.
Kasama na i-dineploy ng South Korea ang hindi tiyak na bilang ng F-35A stealth fighter jets at humigit-kumulang 240 fighter jets na nakikilahok sa patuloy na “Vigilant Storm” drills kasama ang United States.
Napag-alaman na lalong tumaas ang tensiyon sa rehiyon mula nang magsimula ang joint drills noong Lunes, na nag-udyok ng galit mula sa Pyongyang.
Inaakusahan nito ang karibal na bansa ng mapanuksong aksyon.
Nauna nang nagbabala ang isang opisyal ng North Korea sa isang pahayag noong Miyerkules na magbayad ang US at South Korea para sa anumang military action laban sa Pyongyang.