-- Advertisements --

Nag-landfall na ang Super Typhoon Uwan sa Dinalungan, Aurora.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 9:10 nito ng gabi ng Linggo ng mag-landfall ang bagyo sa Dinalungan.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 230 kph.

May bilis na pagkilos ito ng hanggang 30 kph patungong northwestward.

Nananatiling nakataas pa rin ang signal number 5 sa mga lugar ng : Nagtipunan sa Quirino; Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya; Bongabon, Carranglan, Pantabangan sa Nueva Ecija; San Luis, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran sa Aurora.

Ibinabala din ng PAGASA ang pagkakaroon ng storm-surge sa coastal municipalities.