Nilinaw ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa plenaryo ng Senado ngayong Biyernes, ang mga kumakalat na fake news na nagsasabing siya umano ang nagpanukala ng bagong mga hakbang sa pagbubuwis.
May kumakalat ngayon na mga post na nagsasabing dapat patawan ng 50% na buwis ang maliliit at malalaking content creators sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Sotto na sa loob ng kanyang 24 na taon sa Senado ay hindi siya kailanman nagsumite o nagpanukala ng anumang tax measure, at sa katunayan ay palagi siyang bumoboto laban dito.
Dagdag pa ng Senate President, ipagdarasal na lamang umano niya ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Sa hiwalay na panayam, naniniwala naman si Sotto na mayroong “concerted efforts” para siraan siya sina Senate President Pro Tempore Ping Lacson, Senador Juan Miguel Zubiri at ang Senado bilang institusyon.