Magdedeploy ng mga social distancing patrols ang NCRPO sa ibat-ibang mga establisimiyento ngayong umiiral na ang General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay NCRPO chief MGen. Debold Sinas, susuyurin nila maging ang mga maliliit na establisimiyento upang tiyaking nasusunod ang physical distancing na bahagi ng quarantine protocols.

Tungkulin ng kanilang social distancing patrol teams na sawayin ang mga taong hindi sumusunod dito para maiwasan na mag kumpulan ang mga mga customers sa pagbili ng kanilang mga essential goods.

Magdi-deploy din ng mas maraming pulis sa mga kalye para matututukan ang mga street crimes.