-- Advertisements --

Mapupunta ang pinakamalaking bahagi ng P4.1 trillion proposed national budget sa social at economic services, ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez.

Pagtitiyak ito ni Romualdez matapos na makipagpulong kagabi sa mga miyembro ng Visayan bloc.

Para matugunan ang benepisyo at pangangailangan ng mga mahihirap na Pilipino, sinabi ni Romualdez na ang social at economic services ang higit na pagtutuunan ng pansin sa paglalaan ng pondo para sa susunod na taon.

Samantala, umaapela ang kongresista sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na iwasan na ang pagtatanong ng paulit-ulit gayong maiksi lamang ang kanilang oras para sa budget deliberations.

Subalit sa kabila nito, tiniyak naman din niyang dadaan sa normal at transparent na proseso ang pagtalakay sa 2020 budget para mapag-usapan ang merito at ihahatid ang pangunahing layunin na mapagsilbihan ang publiko.