-- Advertisements --

LAOAG CITY – Epektibo ngayong araw ang skeletal workforce matapos magpalabas ng memorandum si Mayor Michael Marcos Keon para sa mga empleyado ng Laoag City Hall na magtatapos sa Disyembre 4.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng Treasury office na si IN-C200, 39-anyos na babae.

Base sa memorandum ng alkalde, isang batch ang magtatrabaho sa loob ng isang Linggo habang ang ikalawang grupo ay sa susunod na Linggo.

Samantala ang mga essential office kagaya ng City Health Office ay mananatiling full workforce ang kanilang trabaho.

Sa ngayon, hinihintay din ang resulta ng swab test ng 67 na nakasalamuha ni IN-C200 kabilang na rin ang mga nakasalamuha ng kanyang ina na si IN-C201 na isang fish vendor sa merkado publiko nitong lungsod.