-- Advertisements --
Malaki na ang posibilidad na makakapaglaro muli si Philadelphia 76ers guard Ben Simmons kapag nagsimula na muli ang NBA season.
Sinabi ni Sixers general manager Elton Brand, na malaki na ang ‘improvement’ ng back injury ni Simmons.
Hindi kasi nakapaglaro ng walong sunod na laro si Simmons noon pang Marso 11 dahil sa injury.
Ayon pa kay Brand na naging maganda na ang kalagayan ng kalusugan nito.
Umaasa ito na papayagan na siya ng kaniyang mga doctor para makapaglaro sa pagsisimula muli ng NBA.
Magugunitang itinigil ang lahat ng mga laro ng NBA matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang mga manlalaro ng iba’t-ibang koponan.