-- Advertisements --

Ikinokonsiderang sampahan ng kasong human trafficking si dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras dahil sa alegasyon ng “honey trap” scheme na target si Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, na ilang mga opisyal pa ng gobyerno ang target pa sa nasabing modus.

Kabilang na ang kapatid nitong si Ombudsman Jesus Remulla at Public Works Secretary Vince Dizon.

Naniniwala si Remulla na maaring si Paras ay mastermind ng nasabing modus at siya umano ang nag-uugnay sa tinaguriang bugaw.

Mariing itinanggi naman nito ng abogado ng dating mambabatas na si Atty. Mark Tolentino kung saan nanawagan ito kay Remulla na maglabas ng matibay na ebidensiya.