-- Advertisements --
Dinomina ng Philadelphia 76ers big man na si Joel Embiid ang laro upang padapain ang Boston Celtics, 106-96.
Nagtala si Embiid ng 35 points sa kanyang ikalawang game sa pagbabalik mula sa injury kung saan 10 games din na hindi siya nakalaro.
Tumulong din si Danny Green na may 17 points para iposte ang ikatlo nilang sunod na panalo ngayong season kontra sa karibal na Celtics.
Hawak ngayon ng Sixers ang 35-16 record, habang ang Boston naman ay may kartada na 25-26.
Para naman sa nabigong Celtics si Jayson Tatum ay may 20 points at si Jaylen Brown ay nag-ambag ng 17.