Nangunguna na sa ilang NBA analysts na hinuhulaan na susunod bilang bagong most valuable player (MVP) sa NBA ang big man ng Philadelphia Sixers na si Joel Embiid.
Bago ito, dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas ay wala sa No. 1 spot si Embiid.
Pero sa ngayon biglang tumalon daw sa pagiging top contender si Embiid at nalampasan ang iba pang karibal na nagpapakita ngayon ng mga impresibong performances sa bagong season ng NBA.
Sinasabing pumapangalawa daw sa MVP race ang scoring champion mula sa Warriors at two-time MVP na si Stephen Curry, pangatlo ang dati ring MVP na si Giannis Antetokounmpo ng defending champion na Milwaukee Bucks, nandyan din ang reigning MVP na si Nikola Jokic ng Denver Nuggets at ang sorpresang panglima ay ang rising star mula sa Memphis Grizzlies na si Ja Morant.
Nasa hanay din nang pinagpipilaan ang dating paborito na si Luka Doncic ng Mavs.
Pero noong una pa man ay Angat na sa statistical points ang veteran superstar na si Kevin Durant ng Brooklyn Nets pero biglang naputol ang pamamayagpag nito nang makaranas ng panibago na namang injury.