Naglabas ng kautusan ang Sandiganbayan Third Division na ilipat sa UP-Philippine General Hospital si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ang nasabing kautusan para sumailalim si Romualdez sa independent na pagsusuri sa kaniyang kalusugan ngayong Setyembre 12.
Dagdag pa ng Sandiganbayan na nais nila ng independent examination para maberipika ang medical examination na isinagawa ng mga doctor ni Romualdez.
Inatasan ng Sandiganbayan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) , Philippine National Police (PNP) at Office of the Judiciary Marshals na dalhin si Romualdez sa UP-PGH gamit ang ambulansya at ilang mga medical equipment.
Nasa kautusan na si Dr. Gerardo D. Legaspi,ang Director ng UP-PGH o sinumangmga otorisadong kinatawan nito na magsagawa ng medical exam.
















