-- Advertisements --

CEBU CITY – Nakatakda nang ipatupad ng Cebu City Government ang “hard lockdown” sa Alaska-Mambaling, Lungsod ng Cebu, kasunod mas lumalalang epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa tagapagsalita ng alkalde na si Atty. Rey Gealon, mas hihigpitan pa ang seguridad sa nasabing sitio dahil dinagdagan na ang police visibility.

Ito’y matapos nakatanggap ng ulat ang alkalde patungkol sa hindi umano sumunod ang mga residente sa mga lockdown measures sa lugar.

Dagdag pa ni Gealon na asahang mas maraming pulis ang magbabantay at maglilibot sa sitio partikular na sa mga coastal area kung saan nag-swimming ang ilan sa mga residente.

Giit pa ng tagapagsalita na ang tanging hangad ni Mayor Edgardo Labella ay ang kaligtasan ng mga constituents sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols.

Naitala sa Barangay Mambaling ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan umabot ito sa 629, batay sa ulat mula sa City Health Department.