-- Advertisements --

Inaasahang sa susunod na buwan ay magkakaroon na umano ng regulatory o Chinese FDA approval spara sa general use ng alinman sa apat na COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Philippine Ambasador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, kasalukuyang nasa final stage o phase 3 na ang apat na mga bakuna na kinabibilangan ng Sinovac.

Ayon kay Amb. Sta. Romana, katunayan ay nagsimula na sa produksyon ang ilang pharmaceutical companies sa China pero limitadong bilang pa lamang.

Inihayag pa ni Amb. Sta. Romana na batay sa anunsyo ng Chinese health officials nitong linggo, target nilang makagawa na ng hanggang 600 million doses ng bakuna pagsapit ng Disyembre.

Kaya inaabangan na lamang ngayon umano ang pag-apruba ng Chinese FDA sa COVID-19 vaccine pagkatapos ng huling yugto ng clinical trial sa katapusan ng Oktuibre o sa unang bahagi ng Nobyembre.