Changi Airport
-- Advertisements --

Niluwagan ng bansang Singapore ang kanilang travel restrictions.

Lahat aniya ng mga fully vaccinated na magmumula sa walong bansa ay hindi na sasailalim sa quarantine simula Oktubre 19.

Ang mga bansa ay kinabibilanga ng Britain, Canada, Denmark, France, Italy, the Netherlands, Spain at US.

Nauna ng ipinatupad ito sa mga manggagaling sa Brunei at Germany noong Setyembre at sa darating na Nobyembre 15 ay ipapatupad din ito sa mga manggagaling ng South Korea.

Base sa panuntunan na hindi na sasailalim sa quarantine ang mga fully vaccinated travellers basta magnegatibo ang mga ito sa COVID-19 test bago ang kanilag biyahe.

-- Advertisement --

Sinabi naman ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loon na hindi maaaring manatili sa lockdown ang kanilang bansa kay magiging normal na lamang sa kanila na mamuhay kasama ang COVID-19.