LA UNION – Nakahanda na ang pamilya, kaibigan at kakilala ng mga Nucos sa Barangay San Carlos, Caba, La Union, para sa pagdating ng bangkay ni Arlyn Nucos ngayong hapon.

Sa ngayon, nasa morge pa sa bayan ng Agoo ang labi ni Arlyn para sa kaukulang proseso dahil ayon sa kanyang pamilya, paglalamayan nila ito ng hanggang dalawang linggo.

Una nang ibinalita na bandang ala-1:00 kaninang madaling araw nang dumating ang bangkay ni Arlyn sa La Union ngunit idineretso ito sa isang funeral home sa Agoo.

Si Arlyn ay isa sa dalawang namatay sa nangyaring car crash sa Singapore at ikinasugat ng tatlong pang Overseas Filipino Worker (OFW).

Isa rin sa mga survivor ang kanyang kapatid na si Arcely Nucos, na kapwa nanilbihan ng halos tatlong dekada na sa kanilang employer sa naturang bansa at hindi na rin nakapag-asawa.