PNP Chief Albayalde
General Albayalde

Kahit nag-public apology na ang broadcaster na si Erwin Tulfo kay Social Welfare Sec. Rolando Joselito Bautista, hindi ito garantiya na maibabalik na sa Tulfo brothers ang mga tinanggal na police escorts ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde na isailalim pa rin sa review at processing ng Police Security Protection Group (PSPG) at naka-depende pa rin sa sitwasyon kung may banta sa buhay ng magkakapatid na Tulfo.

Sinabi ni Albayalde sa panig ng Philippine National Police (PNP) tinatanggap nila ang sinserong paghingi ng kapatawaran ng broadcaster na si Erwin Tulfo kay Bautista, na dating hepe ng Philippine Army.

Sa panayam kay Albayalde, kaniyang sinabi welcome sa kanila ang paghingi ng sorry ni Tulfo.

Ayon kay Albayalde, nagpapasalamat sila bilang mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) sa pagpapakumbaba ni Tulfo sa pamamagitan ng pagso-sorry nito.

Aniya, dapat mag-move on na ang lahat.

Inihayag ni PNP chief na kilala niya si Bautista nuong kadete pa sila sa PMA na itinuturing niyang napakabait at professional na sundalo.

Positibo naman si Albayalde na tatanggapin ng kalihim ang apology na ito ni Tulfo.