Reading Time: 1 minute
Ekaterina Karaglanova
Ekaterina Karaglanova/ IG post

Natagpuang patay ang kilalang Russian Instagram influencer sa kaniyang nirerentahang apartment.

Si Ekaterian Karaglanova, 24 ay nadisikubreng nakasilid sa maleta na puno ng saksak sa katawan sa kaniyang apartment sa Moscow.

Pinuntahan ng kaniyang magulang ang biktima matapos na ilang araw nilang hindi nila ito makontak kaya sila ay nabahala.

Tinitignan ng mga kapulisan na selos ang motibo ang nasa likod ng pagpatay sa biktima dahil sa mayroon itong bagong karelasyon at balak nitong magtungo sa The Netherlands.

Nakita rin sa CCTV ang dating nobyo nito na huling bumisita sa bikitma ilang araw bago madiskubre ang insidente.

Mayroong mahigit 85,000 na Instagram na followers ang biktima kung saan lumabas na rin ito sa pelikula ng actress na si Audrey Hepburn.

Kadalasang post niya ay ang pagbiyahe niya sa iba’t-ibang bansa na ibinabahagi niya sa kaniyang mga followers.