-- Advertisements --

Nagboluntaryo ang sikat na composer na si Andrew Lloyd Webber na sumailalim sa coronavirus vaccine trial.

Sinabi nito na kaniyang gagawin ang lahat para maibalik sa normal at makapagbukas na ang mga teatro.

Sinabi nito na sabik na siyang maturukan ng bakuna ng Oxford Covid 19 trial.

Umani naman ng suporta mula sa iba’t-ibang mga actor ang naging hakbang nito ni Webber.

Nakatakdang subukan ni Webber ang bakuna na gawa ng University of Oxford at pharmaceutical company na AstraZeneca.

Magugunitang mula pa noong Marso ay sarado ang lahat ng 41 na mga Broadway Theaters dahil sa banta ng coronavirus.