-- Advertisements --

Nakataas pa rin ang Storm Signal No. 1 sa ilang lugar sa Luzon kabilang na ang National Capital Region (NCR) habang palalayo na ang Tropical Storm Paeng.

Napanatili ng bagyong Paeng ang kanyang lakas habang tinatahak ang west-southwest na direksiyon.

Sa bulletin ng Pagasa ngayong alas-5:00 ng hapon, nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa:

Cagayan including Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao, Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Aurora
Bulacan
Nueva Ecija
Tarlac
Pampanga
Bataan
Zambales
Metro Manila
Kabilang din dito ang western at central portions ng Batangas (San Nicolas, Calaca, Cuenca, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Agoncillo, San Pascual, Santo Tomas, Bauan, San Jose, Calatagan, San Luis, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mabini, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Tingloy, Nasugbu, Batangas City, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar)
Cavite
Laguna
Rizal
Kabilang pa rito ang northwestern portion ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, Baco)
Northwestern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Mamburao, Paluan, Santa Cruz) including Lubang Islands at northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta)

Sa pinakahuling data mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagyong Paeng ay namataan sa layong 295 km West ng Iba, Zambales.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 85 kph malapit sa gitna at pagbugsong 105 kph.

Tinatahak nito ang west southwestward na direksyion sa bilis na 20 kph.