-- Advertisements --
Nabawasan na ang mga lugar sa Northern Luzon na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals kaugnay ng bagyong Ambo.
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, signal number one na lang ang umiiral sa Ilocos Norte, Batanes, Babuyan Islands, northwestern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros) at northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 110 km hilaga hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte o sa labas na ng Luzon landmass.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 30 kph, habang taglay ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugsong 80 kph.