-- Advertisements --

snd3

Nilagdaan na ang kontrata para sa pagbili ng Shore-based Anti-ship Missile System acquisition project ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng Php 18.9 Billion mula sa Brahmos Aerospace.


Ang ceremonial contract signing ay pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana ng DND, Director General, Mr, Atul Dinkar Rane ng Brahmos Aerospace at Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran.


Una ng sinabi ni Sec Lorenzana na ang nasabing proyekto ay na conceptualize nuong 2017.

Ang Pilipinas ay bibili ng tatlong batteries.

Binigyang-diin din ng Kalihim na ang nasabing shore-based anti-ship missile system ay isa sa worlds fastest suspersonic cruise missiles.

Sinabi ni Lorenzana na ang pagkakaroon ng nasabing anti-ship missile ng Philippine Navy ay mahalaga sa pagprotekta sa teritoryo at pambansang interes ng bansa lalo na sa West Philippine Sea.

Ang Coastal Defense Regiment ng Philippine Marines ang siyang hahawak at mag-o-operate nitong modern strategic defense capability ng Armed Forces of the Philippines.

snd1

Naniniwala ang kalihim na malaking booster ang dagdag na kagamitan ng Philippine Navy para maprotektahan ang teritoryo ng bansa.


Ikinatuwa naman ng mga tauhan ng Philippine Navy lalo na ang Philippine Marines ang dagdag na mga makabagong kagamitan.

Una ng sinabi ng Philippine Navy na ang BrahMos missile ang siyang ideal weapon para sa kanilang shore-based anti-ship missile project.

Ang BrahMos cruise missile ay maaaring i-launche sa pamamagitan ng barko, aircraft, submarine, o sa kalupaan at may kakayahan na magdala ng warheads na may bigat na 200 hanggang 300 kilograms.

Ang missile ay mayroong flight range hanggang 290 kilometers with supersonic speed ayon sa BrahMos.