Umapela si Sharon Cuneta sa gobyerno na magkaroon mass testing laban sa coronavirus disease 2019 o COVID0-19.

Sinabi nito na sa tumataas na bilang ng mga nagpopositbo sa virus ay nararapat na gumawa ng paraan ang gobyerno ng mass testing kung hindi man ito libre ay maaaring sa mas murang paraan.

Ikinakatakot din aniya ng Megastar na sa pagluluwag na ng gobyerno ng mga lockdown ay posibleng mas tataas pa ang nasabing kaso dahil sa darami ang lalabas sa kanilang mga bahay.

Patuloy din ang ginagawa nitong pagdarasal hindi lamang sa mga frontliners at maging sa mga kaanak ng mga nasawi matapos dapuan ng coronavirus.