All set na ang mga binuong tracker teams ng Philippine National Police (PNP) nationwide para arestuhin ang mga presong napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at hindi sumuko sa otoridad.
Mismong si PNP Chief Oscar Albayalde ang nagsabi na kanilang imo-mobilize ang mga SAF (Special Action Force) commandos para maging bahagi ng tracker teams na magsisilbing augmentation force.
Nabatid na apat na araw na lamang ang nalalabi sa itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte at ito ay sa darating na September 19.
Sa ngayon, pumalo na sa 435 ang mga sumukong inmate sa PNP na napalaya sa Good Conduct Time Allowance habang 253 na ang nai-turnover sa Bureau of Corrections.
Nasa 22 porsiyento pa lang ito ng kabuuang 1,914 convicts.
Pinakamarami ang sumuko sa Region 4-B na umabot sa 57.
Kapag hindi pa rin sumuko ang iba pa, ipatutupad na ang “warrantless arrest” at ang “shoot to kill” order ni Duterte sa sandaling manlaban lang ang mga ito.