-- Advertisements --

Kinumpirma ng Hamas militants na napatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon ang kanilang deputy head na si Saleh al-Arouri.

Kasama umano ito sa apat na nasawi sa opisina na gHama sa Dahiyeh ang isa sa capital ng Lebanon.

Ang 57-anyos na si Saleh ay tumayong deputy chairman ng Hama’s political bureau at founding commander ng Al-Qassam Brigades ng military wing ng grupo.

Pinangasiwaan niya ang kasunduan para mapalaya ang mahigit 1,000 Palestinian prisoners kapalit ang corporal ng Israel Defense Forces noong 2006.

Konektado iot sa Iran at Hezbollah group sa Lebanon na nag-oorganisa ng mga terorismo sa iba’t-ibang bansa.

Taong 1987 ng sumanib ito sa Hamas at namuno sa mga Islamic student movement kung saan siya ang tumulong sa pagkakaroon ng military presence sa West Bank.

Magugunitang inatake ng Israel ang kinaroroonan ni Al-Qassam na siyang nag-utos sa Hamas ng atakihin nila ang Israel noong Oktubre 7.