-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of Justice na dumaan sa masusing deliberasyon ang kanilang iprenesentang ‘budget proposal’ para sa taon 2027.

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo kay Justice Usec. Ian Norman Dato, kanyang iginiit na sumailalim sa pag-aaral ang iminumungkahing pondo ng kagawaran.

Partikular sa panukalang budget para sa ‘confidential funds’ ng ahensiya, kapansin-pansin na ito’y higit na mas mababa kumpara ngayong taon at makaraan 2025.

Kung saan P364 million pesos na lamang para sa susunod na taon, mas mababa sa P700 million pesos ng 2026 at 1.5-bilyon piso naman noong 2025.

Bagama’t tumanggi nang magpaliwanag ang opisyal, pagtitiyak niya’y nakaayon naman ang panukalang budget sa mga programa ng ahensiya.

Subalit sa kabila nito, ang kabuuan budget proposal ng kagawaran para sa taong 2027 ay tumaas kung ikukumpara sa inilaan budget ngayong 2026.

Nadagdagan ito ng halos isang bilyon piso, 46.44 billion pesos sa 2027 habang 45.5 billion pesos naman ang budget sa taong kasalukuyan.