-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hired on the spot agad si Angelica Mae Ucol, Senior High School Graduate na residente ng Barangay Bugasi sa bayan ng Banna dito sa lalawigan ng Ilocos Norte sa isinagawang nationwide job fair sa ika-123 taon ng Labor Day dito sa bansa.

Ayon kay Angelica, malaking tulong ito para sa kanya at sa kanyang pamilya lalo pa’t siya ang inaasahan na katulungan ng kanyang mga magulang.

Aniya, napakaswerte nito sapagkat sa libu-libong nakilakok sa nasabing job fair ay siya ang pinalad.

Paliwanag nito na nakuha siya bilang isang Sales Clerk sa isang bago at malaking mall dito sa lungsod ng Laoag.

Kaugnay nito, ang mga aplikanteng na-hired on the spot ay binigyan ng t-shirt mula sa Department of Labor and Employment o DOLE habang ang mga aplikanteng na-hired on the spot na itinuturing na may mababang kita o mula sa mga mahihirap na pamilya ay bibigyan ng limang libong piso ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Samantala, 43 employer mula sa iba’t ibang kumpanya at 13 ahensya ng gobyerno ang lumahok sa napakalaking aktibidad para sa mga manggagawa.

Sa ngayon, may 45 na hired on the spot na aplikante na inaasahang agad nang magsisimula sa trabaho.