Pentagon
-- Advertisements --

Napatay ng US military ang senior al-Qaeda leader na si Abdul Hamid al-Matar sa drone strike sa Syria.

Ayon sa spokesman ng US Central Command na si Army Major John Rigsbee, malaking kawalan sa terrorist organization ang pagkamatay ng al-Qaeda senior leader lalo na ang mga banta sa pang-aatake sa mga US citizens, partners at inosenteng sibilyan sa buong mundo.

Maliban sa senior leader, wala nang casualties pa sa nangyaring paglunsad ng opensiba ng Amerika gamit ang MQ-9 aircraft.

Isinagawa ang drone strike dalawang araw matapos inatake ang US post sa Syria.

Magugunitang, noong buwan ng Setyembre nagsagawa rin ng strike ang Pentagon sa northwestern Syria na ikinamatay ng isa pang senior al-Qaeda leader na si Salim Abu-Ahmad.

-- Advertisement --