-- Advertisements --
Nagsagawa ng matinding airstrike ang Israel sa Damascus, Syria.
Ayon sa Syrian health ministry na sa pag-atake ay mayroong tatlong katao ang nasawi at 34 iba pa naman ang sugatan.
Mariing kinondina ng Syria ang nasabing atake ng Israel na target ang ilang mga government buildings sa Damascus.
Tinawag nila ang insidente bilang “dangerous escalation”.
Tiniyak naman ng Syria na sila ay gaganti sa ginawang pag-atake ng Israel.
Ginawa ng Israel ang pag-atake para protektahan ang Druze isang Arab minority na siyang nakikipaglaban sa gobyerno ng Syria.
Una na ring tinawag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang bagong lider ng Syria ay banta sa kanila.