-- Advertisements --

Sumailalim sa rapid test ang mga senador at maging ang kanilang mga staff sa pagbabalik sa sesyon ngayong araw.

Layunin nitong matukoy kung sino sa kanila ang infected ng coronavirus diasease (COVID-19).

Maliban sa naturang proteso, naglagay din ng thermal scanner at alcohol sa pagpasok pa lang ng mga tao sa gusali.

Obligado rin silang magsuot ng face mask, habang mahigpit na pinaiiral ang physical distancing.

Hindi naman makakadalo sa sesyon si Sen. Sonny Angara, makaraang muli siyang magpositibo sa COVID-19.

Habang sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Cynthia Villar ay nagsabing via internet na lang muna sila makikibahagi sa aktibidad, dahil kabilang na sila sa vulnerable sector bilang senior citizens.