-- Advertisements --

Plano ng Philippine National Oil Company (PNOC) na simulan sa susunod na taon (2027) ang pag-imbak ng malaking bulto ng petrolyo bilang government petroleum reserve.

Sa pagtalakay ng House Appropriations Committee sa pondo ng Department of Energy (DOE), sinabi ni PNOC President at CEO Chikoy Alvarez na itatayo na ang government-owned strategic petroleum reserve sa Bataan sa susunod na taon.

Ang naturang pasilidad ay magiging tank farm na pag-aari ng PNOC at ng PH government.

Batay sa inisyal na plano, magkakaroon ito ng kapasidad na isang milyong bariles ng petrolyo.

Kinalaunan, planong palakihin pa ang kapasidad nito ng hanggang 15 million barrel o mas higit pa.

Bagaman government reserve ito, bukas din aniya ang PNOC na makipag-kolaborasyon sa mga pribadong kumpaniya, nang hindi naisasakripisyo ang reserbang petrolyo ng pamahalan.