Pinaaalalahan ni House Impeachment manager Adam Schiff ang mga hurado na maging patas sa pag-iimbestiga.

Matapos na mapagkasunduan ang mga rules sa impeachment ay ilalatag nila ang “Factual chronolgoy” sa ginawa ng US President.

-- Advertisement --

Nais kasi nito na malaman ng ibang senador ang bawat detalye sa pag-uusap ng pangulo ng US at Ukraine.

Nabigyan ang mga ito ng 24 na oras sa loob ng tatlong araw ang Democratic House impeachment managers para ipresenta ng kanilang kaso.

Magugunitang unang inirekamo si Trump sa abuse of power at obstruction of Congress matapos na tawagan ang Ukraine president na ipinapaimbestiga ang dating US Vice President Joe Biden at anak nito na sinasabing mahigpit na karibal nito sa pagkapangulo.