-- Advertisements --

Magsasagawa ang senado ng pagdinig ukol sa hindi tamang paggasto ng budget para sa flood control.

Ayon kay Senator Erwin Tulfo , na nagkasundo na ang mga kapwa niya senador ukol sa nasabing usapin kung saan mayroon na silang panukalang batas na inihain.

Inihalimbawa din nito ang inihain na panukalang batas ni Senate President Chiz Escudero na pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, mambabatas at mga kaanak ng hanggang 4th degree of consaguinity at afinity na makakuha ng anumang kontrata sa gobyerno.

Habang ikinalungkot ni Senator Panfilo Lacson na nakagastos ang gobyerno ng mahigit P2 trillion sa flood control sa nagdaang 15 taon subalit wala pa ring mga nagbabago.