-- Advertisements --

Bukas ang Senado na tanggalin ang bulto ng pondong nakapaloob sa House version ng 2026 budget na binabatikos at tinatawag bilang pork barrell.

Maalalang ilang lingo na ang nakakalipas ay inirereklamo ng ilang civil society organization ang hanggang P230 billion na pondo na kwalipikado bilang presidential pork.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Gatchalian na nakahanda ang Senado na alisin ito kung mapatunayang pork barrel ang naturang pondo.

Sa katunayan aniya, personal niyang kakausapin ang mga civil society organization upang malaman ang konteksto at kabuuan ng kanilang reklamo.

Kasunod nito ay aaralin din aniya nila kung paano ang pagtagpuin ang 2026 budget na version ng House at version ng Senado.

Samantala, sa naunang panayam ng Bombo Radyo Phils. kay House Appropriations Committee Chair Mikaela Suansing, tiniyak din niyang walang presidential pork, taliwas sa alegasyon ng ilang civil society organizations.